Family Picture

April 10, 2009 Angel Orihimesama

Natatandaan ko pa nung elementary pa ako.Lahat ng classmates ko bago ang lahat ng gamit sa school.Palibhasa private school yung pinapasukan ko kaya almost lahat ng classmates ko mayayaman at may kakayahan na bumili ng mga mamahaling gamit.

Sa totoo lang naiinggit talaga ako…lahat ng uniform nila sobrang puti at bago samantalang ako yung dati ko pang uniform at pumuti lang sa pagkukula at sa sabong gamit ng aking ina.

Pati gamit nila sa school mahahalata mo na mamahalin yung notebook nila lahat ay may tatak at amoy bago samantalang yung sa akin yung pinagsamasamang lumang notebook last year na binalutan ng magandang palamuti para magmukhang bago.

Inggit na inggit ako sa classmate ko na 3 layers na pencil case yung tipong may pipindutin ka na button eh biglang lalabas yung sharpener or eraser sa pencil case,namumutawi ang lungkot sa aking mga mata sapagkat sa akin ay isang plastic na may zipper ang pencil case ko.

Sabi ng aking ina “Pencil lang naman ang ilalagay mo okey na yan masyadong mahal ang pencil case na sinasabi mo kulang na tayo sa budget”,

Lalo ko talaga naramdaman ang pagkaiinggit ng makita ko aking mga clasmate na ang gamit nilang bag ay may stroller sa likod,pink ang kulay at barbie ang design samantalang ako ay isang lumang bag walang gulong sabi ng aking ina pwede pa naman daw yun kasi wala pa naman na butas.

Habang busy ako sa kakatingin at pagkukumpara sa mga bagay na wala ako na meron sila biglang dumating ang aking english teacher.

“Good Morning Ms. Dimatulac” sabay sabay na bigkas ng aking kamag-aral.

Dahil nga sa naglalakbay ang aking diwa di ko na namalayan na uwian na palaLahat ng classmate ko  ay sabay sabay ng tumayo at lumisan sa klase buti na lamang ay tumingin ako sa pisara sapagkat may homework pala kami.

HOMEWORK:

1.Please bring your family picture

2.Answer page 3-5 of your English Skillbook

Lahat ng mga clasmate ko ay nagmamadaling tumatakbo hilahila ang kanilang stroller na bag habang ako naman ay nagmumuni hanngang sa nakita ko ang aking ina nakangiti sa akin habang nag-aabang sa waiting area ng school.

Pagdating ko sa bahay agad-agad akong humingi ng family picture sa aking ina.Nagtataka ako bakit kailangan ng aking guro ang mga ito.Binuksan ko ang pahina ng libro at ang una kong nakita ay

“———–HOME——–HOUSE——–”

“DRAW YOUR HOUSE”

Sa murang isip ang unang pumasok sa isip ko ay “Teka parehas lang naman yun di ba?”

Kaya naman agad agad kung hinanap si MR. Webster Dictionary

HOUSE- \ˈhau̇s\noun a building that serves as living quarters for one or a few families

HOME \ˈhōm\ noun the social unit formed by a family living together

“Aaaahhhhh yun pala ang pagkakaiba nun, akala ko ay parehas lang sila.Pero pano yun ang liit lang naman nag bahay namin parang bahay kubo lang.”

Kinabukasan,balik eskwelahan ulit kami.
Tulad ng dati malungkot nanaman ako na tumungo sa aming silid aralan iniisip ang homework na drawing.

Nagsimula na ang klase,lahat ng mga classmates ko pinakita ang kanilang drawing sa harap ng klase.

Si Raissa na pinakamayaman sa klase ang unang nagtaas ng kamay.As usual, pinakita muna niya ang maganda nyang bahay kahit na drawing bata lang ang drawing nya makikita mo talaga na napakayaman nya may malaking garden sila at up and down na bahay may swimming pool pa sila.Lalo akong naiingit sa kanya at nahiya sa drawing kong bahay kubo sa isang coupon bond.Nang matapos na niya ipakita ang napakalaking bahay nila agad namang hinanap ng guro ang kanyang family picture.May ngilid na luha na pinakita ni Raissa ang picture at tinuro ang kanyang mommy at daddy…sabi nya namimiss na nya ang kanyang daddy.Nalaman na lang namin na nasa abroad pala ang kanyang daddy.


Naantig aking puso sa sinabi ni Raissa.Bigla kong napaisip.Nagulat na lamang ako ng narinig ko ang aking pangalan na tinawag ng aking guro.Ako na pala susunod na magpresent.

Agad agad ako na tumayo sa harapan pinakita ang hawak na drawing ng aming bahay.Hindi na ako nagtakataka sa mga reaksyon ng aking classmates.Lahat sila ay halos gusto ng humagikhik sa tawa.Nanliit ako at halos gusto ng malusaw sa harapan.Nababasa ko sa ang kanilang nasa isip.Natatawa sila sapagkat halos bahay kubo lang ang bahay namin di kasing laki ng kay Raissa. Di ko pinansin ang kanilang mga reaksyon datapwat ipinakita ko na lamang ang family picture namin.

Biglang lumakas ang aking loob ng makita ko ang aming family picture.Naalala ko ang aking mapagmahal na ama,ang pagmamahal na binibigay ng aking ina.Ang aking mga kapatid na kahit minsa’y asot pusa na nagaaway ay nagmamahalan pa rin.Ang pagsabay sabay na kumain sa hapag kainan. Ang himig ng musika na galing sa aming puso na maririnig sa aming bahay kubo.Bigla na lamang akong napangiti at sinabi :

“This is my family picture.You might laugh at my previous drawing of our house because it seems so small.We dont have big and beautiful house
like yours because we are not wealthy but I could proudly say that I have my family to build a home.A home that gives me a real happiness and wealth”

Biglang pumalakpak ang english teacher ko.First time ko na naramdaman na umangat ako sa mayayaman ko na classmates.Lahat sila nagpalakpakan.

Nang matapos na ang aming english class,kaagad ako na tumungo sa aking ina na nasa waiting area tsaka ko lamang naobserbahan na ang lagi palang sumusundo sa pinakamayaman ko na classmate na si Raissa ay ang kanyang yaya sapagkat busy lagi ang kanyang mommy.Bigla ko na lamang hinagkan ang aking ina at nagpasalamat ng lihim.

Napagtanto ko na di ko pala kailangan ng bagong uniform,amoy bagong notebook, 3 layers na pencil case,pink barbie na stroller na bag at isang napakalaking bahay na may second floor with garden and swimming pool.Hindi lang pala material na bagay ang nagpapaligaya sa buhay nang tao at sukatan ng pagigigng mayaman.Minsan kahit ang simpleng pagmamahal ng isang pamilya  ay isang natatanging yaman na di mapapalitan ng kahit anong ginto sa mundong ibababaw.


Entry Filed under: Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to comments via RSS Feed

Pages

Categories

Calendar

April 2009
M T W T F S S
    May »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Most Recent Posts

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.